kanina. late na naman ako. kakatamad kasing bumangon. nagising lang ako nung nadinig ko na si love na nagbibigay ng trafic report. wala kasi nambabatok sa akin para bumangon. nasa bohol si ermats. dahil sa antok antagal ko sa banyo. umidlip habang bukas ang shower. nakalimutan ko na pag tumagal pala ako sa shower nangangati ako. kakatawa pero totoo.
naalala ko na di pa pala ako nakaluto ng almusal. pagbukas ko ng ref, andun lang hotdog, bacon, longanisa. sa likod ng mga bote, meron isang fried daing na bangus na mukhang giniginaw na sa ooverstay niya sa ref. un na lang ang binanatan ko.
patuyo muna ako ng paa habang nanood ng unang hirit, ta's biglang tumawag si opismeyt at kelangan ko daw umatend ng miting with bosing. sabi ko nasa bahay pa ako at technically-speaking di pa start ang workday ko. gago daw ako at tiyak na sabon na naman ako. natakot naman ako at nagmadali. konting gel. konting pabango. and off i go.
pagdating sa kalsada, sakto me bakanteng taxi. pero pag-upo ko naisip ko na parang me kulang. pagkapa ko sa bulsa ko, taragis, naiwan ko cellphone ko. yari na naman ako sa bosing. pag di kasi kami makontak ng bossing sa landline, sa cellphone tumatawag. at least me excuse na ako para di sya puntahan. hehe.
pagdating ko sa opis, takbo na ako sa bosing. pero sabi niya sa akin tapos na daw ang miting. tinanong ko siya kung saan tungkol yun. sa importation daw ng egg powder from india. sabi ko di ko alam na miting kasi wala namang sinabi sa akin bisor ko. napailing na lang si bossing at sinabi na lang niya na "talaga yang bisor mo."
at napansin ko me chick pala na nakaupo sa anteroom, si ___ pala. tinitingnan ko siya at naisip ko na parang me mali sa kanya. ahhh, malaki lang yung ulo niya para sa katawan niya. at nakita ko din na yung mga daliri niya sa kamay eh ang laki parang sa lalaki, pero makinis.
pagpunta ko sa opis ko, sinabihan ko si opismeyt na ogag siya, dahil sa kanya naiwan ko cellphone ko. binalikan niya ako ng tange ka pala, anong oras na. pagpunta ko sa pantry, walang almusal. sumaglit lang kami sa mcdo. tapos habang umoorder, napansin ko yung isang chick, maputi, mukhang puyat at yung suot niyang shirt eh panlalaki. nakuuuh, sundot-hatid na naman ito. yari ka.
trabaho. trabaho. trabaho. until 5pm.
ngayon. babad sa internet habang nag-aantay ke ex-hausmeyt para manood ng poseidon. pero inaantok na ako eh. napuyat kasi ako kagabi kakanood ng uprising. war movie yun. andun si leelee sobieski. siyet.
7 pa lang naiinip na ako kakaantay ke ex-hausmeyt. nagpa-check up sila. hirap naman akong magtext sa nokia na hiniram ko sa opismeyt.
hohum. saan kaya makatambay?